basahin nio to..
Our greatest fear is not that we are inadequate,but that we are powerful beyond measure.
It is our light, not our darkness, that frightens us.We ask ourselves, Who am I to be brilliant,gorgeous, handsome, talented and fabulous?
Actually, who are you not to be?You are a child of God.
Your playing small does not serve the world.There is nothing enlightened about shrinkingso that other people won't feel insecure around you.
We were born to make manifest the glory of God within us.It is not just in some; it is in everyone.
And, as we let our own light shine, we consciously giveother people permission to do the same.As we are liberated from our fear,our presence automatically liberates others.
nabasa mo na di ba?haha, guilty ka?n
akuha ko lang to sa kaibigan ko at ala naman akong ideya kung saang sulok ng mundo niya ito nakuha, o kung baka siya pa nga ang may gawa nito.
pero sa totoo lang, tinamaan din ako ng mabasa ko to.haha. bakit ngayon lang?bakit ngayon ko lang nabasa?o.... tama bang sabihin na BAKIT NGAYON KO LNG BINASA?haha, magkaiba yun. di ba?
madalas guitly ang tao kapag masyado siyang nagiging mayabang. confident. malakas ang loob. malakas ang dating. mataas ang tingin sa sarili... naiisip niya ang sasabihin ng iba. magrereality check siya kung tama pa ba ang nararamdaman niyang kumpyansa. kakatukin siya ng ng isang bahagi ng kanyang pagkatao na kapag dumating ay mahirap hindi pansinin--ang kayang konsiyensa. at duon, lilitaw ang mga katagang base pa sa relihiyon.
IHO, IHA, magpakumbaba kayo...
at doon magsisismula ang unti unitng panghihina ng kumpyansang dati pa nga ay umaaapaw. pagiging paranoid pa ang kakalabasan. takte. hindi ako nageexaggerate.
isipin mo, pag ba may nagsabi sayong,ui!!ang gwapo mo naman! anong sabon mo sa mukha?anu kayang magiging reaksyon mo?
magsasabi ka ba with full force ng...ahh, salamat ah! ahm, likas papaya lang yan.oh, mahihiya pa. at magaatubili ng kung anung sasabihin.ah, haha, masyadong sterotype ang halimbawa ko.daanin natin sa pagibig....kapag may nanligaw sayo na isang AYALA o ZOBEL o sabihin nating biglang lumitaw si Gerald Anderson sa harapan mo at nagwika ng mga salitang kay poknat lang niya dating binibitiwan, tatanggapin mo ba agad ang pag-ibig nila? o maiisp mo pa ang mga katagang,"bakit ako? ano ang nakita niya sa akin? ha? bakkiit??"
bakit hindi di ba?naalala ko tuloy yung kaklase ko, may kwinento sa akin.nagbigay daw ng exam yung prof.ang tanong lang, "bakit?"sasagutin mo yun.
essay form yung exam. meron pa nga atang nga kakaiba pang tanong na "saan ka nanggaling?" haha, bleh, hindi philo yung exam. kas yun.sabi nung prof, ang tama raw na sagot dun sa unang tanong ay "bakit hindi?"dun sa pangalawa, haha, hindi na niya nasabi kung ano nga ba ang sagot.pero kung ako siguro ang nsa exam na iyon, ang isasagot ko aygaling ako sa *toot* ng mama ko. lol. hehe =)
oh yun nga! bakit hindi?di ba?ako, madalas ako nakokonsiyensa pag pakiramdam ko nagmamagaling ako.kaya nabababaan ko ang tiwala ko sa sarili ko.pag nga may mga take home exams, magsasagot ako.pero hindi ko yun maipapasa nang hindi naikukumpara sa iba. baka kasi may mali ako.pag may nagsasabi sa akin na kyut ako, hahah, lol, ang hangin tlga, hindi ako nagtetenk you....hindi ko alam kung bakit pero nahihiya tlga ako. minsan parang mas ayos pa na hindi ka napapansin kesa sinasabihan ka ng mga magagandang salita. ang kaso, parang nakakalunkot din naman pag hindi naappreciate ang mga gingawa mo.ewan ko ba pero hindi ko rin masayadong gusto ang pakiramdam ng pagsasabi ng mga scores ko sa iba. haha, ewan, wirdo ko tlga!
ayun nga ang point.sayang. gusto ko sana ipost dito yung dating article na nabsa ko na sinulat ni Bo Sanchez. (idol ko....para sa akin, siya ang Bob Ong ng mga relihiyosong artikulo) ang kaso hindi ko makita yung magazine at mejo malabo yun kasi nga ang daming papael sa bahay namin.
dun sa article, binbigyang pansin kung ano yung tunay na kahulugan ng humitlity.ganito.may isang lalaki, na tunay namang mahiyain. hindi siya masyadong nakikisalamauha sa iba. madalas ay nakayuko siya. hindi siya sociable in short. oo lang din siya ng oo. tingin tuloy ng iba sa kany ay napakamapagkumbaba niya. waw, ang humble daw ni tol. pero ang sabi ni bo sanchez, hindi siya tunay na humble. at kung iisipin nga nating mabuti, hindi siya humble sa paraang karapatdapat.
ang pagiging humble ay ibang iba sa pagmamaliit sa sarili. sa paglilimita sa iyong kakayahan. sa pagpipigil na lumabas at makipagkaibgan sa iba. ang pagiging mapagkumbaba ay nakikita sa pakikipagkapwa tao. ang ginagawa ng karamihan na pagmamaliit sa kanilang kakayahan ay pagmamaliit sa kung anuman ang nilikha ng Diyos--ang iyong sarili mismo. ang pagkatakot na makagawa ng kamalian dahil sa pagtiiwala sa sarili ay hindi mabuti kung hndi palatandaan ng pagiging maramot. sa kadahilanang ito kasi natin napipigilan na ipakita ang tunay na tayo.
at sa tuwing ginagawa natin ang mga bagay na ito na akala tlga natin ay tama at siyang nakakapagdagdag ng puntos natin papunta sa langit, mas lalo lamng nating inilalayo ang ating sarili sa mga aral ng Diyos. tayo ay kanyang nilikha at tunay namang nararapat na gamitin natin ito ng tama.
hahahaha. ayown. maxado lang siguro akong natamaan nung poem na iyon.kung hindi ka natamaan ng mga pinagsasabi ko, good. tandaam mo lang na lahat din nman ng sobra ay masama.... balanse lang. yin yang.
oops. gutom na ako.totoo na ito. hindi na ako nagbibiro. kumakalam na ang sikmura ko. hahaha.
tandaam nating lahat.
our playing small does not serve the world.(our playing big does not serve the world either)WE WERE TO MAKE MANIFEST THE GLORY OF GOD WITHIN US
let us humble ourselves befoe HIm by doing what is right,not by humbling ourselves to others just for the sake of it.
wahahahaha, nioks. gutom na nga tlga ako!
Monday
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

5 comments:
kumain ka na! hahaha. :)
pero tama ung poem. we are all great in our own ways. as children of God, we show His glory. ♥
hahah.. asteeg naman. medyo tumagos sakin pero di ko alam kung anong part ba yun..
teka teka.. di ba yung tula eh nabanggit sa "coach carter"? o katunog lang ba?
familiar kasi yung first few lines.. heheheh..
hehe, sinearch ko sa yahoo!.
a return to love - marianne williamson
title - author/poet yan. :D
ang lalim.. =P
you know what...this saying is very similar to the one recited in the movie "Coach Carter"...have you watched it? Wala lang just want to share...:)..miss yah kim...san na yung blowout ko?
Post a Comment